Hi everyone!
I have a daily blog yay! Para di ko na kailangang i-email kayo lahat na napakabait na nagtatanong kung kamusta na ko.So yea, tagal na natin di kita! Miss na miss ko na kayong lahat. Dahil ito una kong entry, gusto ko lang magsabi ng overview kung ano na ang nangyayari sa life ko!
Let's see...aha! 'buti naman po ako dito at saka alam ko...di kayo makakapaniwala pero ang tahimik ko dito. Syempre parang date di parin ako nagmumura pwera nga lang nung November na namura ko si Pam kasi asar na asar na ako. Nilagay ko nga yun sa planner ko at hanggang ngayon andun pa rin. Alam nyo ba nakakahonors ako dito! Hahaha! Di ko makakalimutan yung 77 na binigay sakin ni Bro. George (o si Jegan ba yun?) dahil sa kaingayan ko.
Eto...ang lamig lamig dito. Kung isa ka sa mga kaibigan ko dito sa New Milford, ha! Sorry na lang po sa language na ginagamit ko, hopefully maiintindihan nyo =). Anyway, addict na addict na ko ngayon sa Harry Potter, sana andito si Marion Cortez!
Wawa naman ako, 5'4 lang ako. Liit pa rin ako pero natangkaran na kita Pam atsaka Keem! Ha! Anong say niyo ngayon? Matapos nyo kong api-apihin dati dahil sa pandak ko!
Si Karisse, syempre, di ko parin nakakalimutan. Di ko lang siya matawagan kasi lagi na lang wrong timing - nakakabanas. Karrise kasi eh, masyadong outgoing =).
Chuckie! Kamusta na love life mo? Kan at Reizl, nakikita nyo pa ba si Penny? Miss na miss ko na Palmera 2! Palagi akong nandyan matapos natin magpaka-"holy" sa simbahan ng Antipolo.
Uyy..Via...thank you dun sa message mo. Naalala mo pa pala ako, kung close ka pa rin kina Kristel at Jizelle, pa sabi na lang na hi mula sa kin to them. Ayos Via ah! Kasal ka na pala ah!
Mommy Katherine Dingal, kamusta na si Daddy Fama? Sabi mo dun sa pinakahuling letter mo sa akin, di ko siya Daddy pero di pa rin ako makapaniwala. Nakita daw ni Ate Tracy nung ginagawa nyo ko!
Nga pala, Ate Tracy sana magaling ka pa rin kumanta. Pagkumakanta ka kasi, alam mo yun, parang kinikilig ako di ko lam kung bakit siguro dahil sa ganda ng boses mo. Denise! Baby Denise! Kung read mo to, miss ko po kayo! Sana ayos naman ang lyf mo.
Kamusta na ba si Meann? Sarah? Di ko na sila na kakamusta, di ko alam kung pano ko sila maco-contact. Hay...buhay.
Banas kayo! Malapit na kayo gumraduate! Tapos ako Junior pa lang! Pero ayos lang...may isang taon pa ko para magisip ng course ko. Sisiguraduhin kong updated 'to! Masarap pa lang mag-type lang ng kung ano ano. Aayusing ko pa to para maging presentable.
I'll try to do this once more! Au revoir! |